Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Dahil darating ang isang yugto ng panahon kung kailan hindi na nila tatanggapin ang kapaki-pakinabang* na turo,+ kundi gaya ng gusto nila, papalibutan nila ang kanilang sarili ng mga guro na kikiliti sa mga tainga nila.*+

  • 2 Timoteo 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sapagkat darating ang isang yugto ng panahon kapag hindi nila titiisin ang nakapagpapalusog na turo,+ kundi, ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa, sila ay magtitipon ng mga guro para sa kanilang sarili upang kumiliti sa kanilang mga tainga;+

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:3

      Ang Bantayan,

      3/15/2012, p. 15-16

      7/1/2005, p. 5-6

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:3

      kapaki-pakinabang: Lit., “nakapagpapalusog.”—Tingnan ang study note sa 1Ti 6:3.

      kikiliti sa mga tainga nila: O “magsasabi sa kanila ng gusto nilang marinig.” Sa idyomang ito, gumamit si Pablo ng pandiwang Griego na puwedeng mangahulugang “kilitiin; kamutin,” pero puwede rin itong mangahulugang “mangati.” Dito lang ito lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Maliwanag na tumutukoy ito sa mga taong gustong-gustong marinig ang mga bagay na kukunsinti sa kanilang makasariling pagnanasa sa halip na ang mga makakatulong sa kanila sa espirituwal, kaya naman sa ilang salin, inihalintulad ito sa pangangati na kailangang kamutin. Kaya mas gusto nila ang mga gurong kikiliti sa tainga nila, o magsasabi ng gusto nilang marinig. Dahil sa inihulang apostasya, dadami talaga ang ganitong makasariling alagad at huwad na mga guro; kaya kailangang kumilos agad ni Timoteo.—Tingnan ang study note sa 1Ti 4:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share