Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 2 Timoteo 4:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Pero ikaw, gamitin mo ang iyong kakayahang mag-isip sa lahat ng pagkakataon, tiisin mo ang mga paghihirap,+ gawin mo ang gawain ng isang ebanghelisador,* at isagawa mo nang lubusan ang iyong ministeryo.+

  • 2 Timoteo 4:5
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 5 Ikaw naman, panatilihin mo ang iyong katinuan+ sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng kasamaan,+ gawin mo ang gawain ng isang ebanghelisador,+ lubusan mong ganapin ang iyong ministeryo.+

  • 2 Timoteo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:5

      Ang Bantayan (Pag-aaral),

      4/2019, p. 2-7

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 627

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 40-41

      Ang Bantayan,

      5/15/2009, p. 16-17

      3/15/2004, p. 10, 15

      12/1/1995, p. 8

      9/15/1989, p. 12

  • Mga Study Note sa 2 Timoteo—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:5

      gamitin mo ang iyong kakayahang mag-isip: Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “hindi lasing.” (1Pe 1:13; 5:8; tingnan ang study note sa 1Te 5:6.) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ginagamit ang pandiwang ito para tumukoy sa pagiging “matino at balanse, may pagpipigil sa sarili.” Malapit nang mamatay si Pablo. (2Ti 4:6-8) Kaya kailangan ni Timoteo bilang tagapangasiwa na patuloy na palakasin ang kongregasyon at patibayin ito para malabanan ang paparating na apostasya. (1Ti 3:15; 2Ti 4:3, 4) Kailangan niyang manatiling balanse, alisto, at mapagbantay sa lahat ng aspekto ng paglilingkod niya.

      gawin mo ang gawain ng isang ebanghelisador: Binigyan ng atas ni Jesus ang lahat ng Kristiyano na maging ebanghelisador, o ipangaral ang mabuting balita ng kaligtasan mula sa Diyos. (Mat 24:14; 28:19, 20; Gaw 5:42; 8:4; Ro 10:9, 10) Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, ang mga termino para sa pag-eebanghelyo ay madalas tumukoy sa pangangaral sa mga di-kapananampalataya. Dahil isang tagapangasiwang Kristiyano si Timoteo, marami siyang atas sa pagtuturo sa loob ng kongregasyon, gaya ng binanggit sa 2Ti 4:1, 2. Pero kailangan pa rin niya at ng lahat ng iba pang tagapangasiwa na ipangaral ang mabuting balita sa labas ng kongregasyon.

      ebanghelisador: O “mángangarál ng mabuting balita.” (Tingnan ang study note sa Mat 4:23.) Maraming beses na lumitaw sa Kristiyanong Griegong Kasulatan ang kaugnay na pandiwang Griego na isinasaling “ihayag ang mabuting balita.” Madalas na tumutukoy ito sa kung paano ipinangangaral ni Jesus at ng lahat ng tagasunod niya ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Luc 4:43 at study note; Gaw 5:42 at study note; 8:4; 15:35) Pero tatlong beses lang lumitaw ang espesipikong termino na ginamit dito ni Pablo; at sa lahat ng paglitaw nito, makikita sa konteksto na ang “ebanghelisador” ay puwede ring tumukoy sa “isang misyonero.” (Tingnan ang study note sa Gaw 21:8; Efe 4:11.) Naging misyonero si Timoteo at naglakbay kasama ni Pablo para mangaral sa mga lugar na hindi pa naaabot ng mabuting balita, at binigyan din siya ng apostol ng iba pang espesyal na atas. (Gaw 16:3, 4; 1Ti 1:3) Dito, pinapasigla siya ni Pablo na patuloy na gampanan ang ganitong mahahalagang atas.

      isagawa mo nang lubusan ang iyong ministeryo: Para masunod ni Timoteo ang tagubiling ito, marami siyang matututuhan sa halimbawa ni Pablo. Napakalaki ng pagpapahalaga ni Pablo sa pribilehiyo niyang makatulong sa paglalaan ng espirituwal na pangangailangan ng iba, sa loob at labas ng kongregasyon. (Tingnan ang study note sa Ro 11:13; 2Co 4:1; 1Ti 1:12.) Lahat ng tunay na Kristiyano ay binigyan ng atas na maglingkod. (2Co 4:1) Posibleng isa ito sa mga huling bilin ni Pablo kay Timoteo, at dito, pinapasigla ng apostol si Timoteo na isagawa nang lubusan ang ministeryo niya at gampanan ang lahat ng aspekto nito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share