-
Tito 1:1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
1 Ako si Pablo, isang alipin ng Diyos at apostol ni Jesu-Kristo, na ang pananampalataya ay kaayon ng pananampalataya ng mga pinili ng Diyos at ng tumpak na kaalaman sa katotohanan, na nauugnay sa makadiyos na debosyon
-
-
Mga Study Note sa Tito—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Pablo: O “Mula kay Pablo.” Ang istilo na ginamit ni Pablo sa introduksiyon niya, na hanggang talata 4, ay karaniwan sa mga liham noon. Kadalasan, mababasa sa simula ang pangalan ng nagpadala, ang (mga) padadalhan, at pagkatapos ay isang pagbati. (Tit 1:4) Sa liham na ito, ang introduksiyon ni Pablo ay mas mahaba kaysa sa normal (sa Griego, isang mahabang pangungusap ito mula talata 1 hanggang talata 4). Hindi lang basta nagpakilala si Pablo, kundi sinabi niya rin ang tungkol sa pagiging apostol niya at sa pangangaral niya. Kahit sa isang tao lang patungkol ang liham ni Pablo—sa kamanggagawa niyang si Tito—gumamit ang apostol ng mas mahaba at pormal na introduksiyon, posibleng dahil gusto niyang basahin din ito sa iba.—Tingnan ang study note sa Tit 3:15; ihambing ang study note sa Ro 1:1.
alipin ng Diyos: Kahit na ang mga alipin ang may pinakamababang katayuan sa lipunan, hindi minamaliit ng ekspresyong ito ang taong inilalarawan nito. (Tingnan ang study note sa 1Te 1:9.) Sa katunayan, para kay Pablo, na isang tapat na Kristiyano, isang karangalan na maging hamak na lingkod ng Kataas-taasang Diyos at ng kaniyang Anak. (Tingnan ang study note sa Ro 1:1.) Inilarawan din ng kapatid ni Jesus sa ina na si Santiago ang sarili niya bilang “isang alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Kristo.” (San 1:1; ihambing ang 1Pe 2:16; Apo 7:3.) At nang bigyan si Maria ng isang atas, sinabi niya sa anghel ni Jehova: “Ako ay aliping babae ni Jehova!”—Tingnan ang study note sa Luc 1:38.
apostol: Tingnan ang study note sa Ro 1:1.
tumpak na kaalaman sa katotohanan: Dito, iniugnay ni Pablo ang tumpak na kaalaman sa makadiyos na debosyon at pag-asa.—Tit 1:2; 2:11, 12; para sa paliwanag sa terminong Griego na isinalin ditong “tumpak na kaalaman,” tingnan ang study note sa Efe 4:13.
makadiyos na debosyon: Tingnan ang study note sa 1Ti 4:7.
-