Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tito 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 isang lalaki na malaya sa akusasyon, asawa ng isang babae, at may nananampalatayang mga anak na hindi mapaparatangan ng masamang pamumuhay* o pagrerebelde.+

  • Tito 1:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 kung may sinumang lalaki na malaya sa akusasyon,+ asawa ng isang babae,+ na may nananampalatayang mga anak na hindi mapararatangan ng kabuktutan o di-masupil.+

  • Tito
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:6

      Organisado, p. 32-33, 34-35

      Ang Bantayan,

      10/15/1996, p. 15, 21

      5/15/1993, p. 17-19

      9/1/1990, p. 24-25

      2/15/1989, p. 29

  • Mga Study Note sa Tito—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:6

      malaya sa akusasyon: May kahawig na mga ekspresyong makikita sa unang liham ni Pablo kay Timoteo.—1Ti 3:10; tingnan ang study note sa 1Ti 3:2.

      asawa ng isang babae: Tingnan ang study note sa 1Ti 3:2.

      may nananampalatayang mga anak: Dapat na mahusay na ulo ng pamilya ang isang Kristiyanong lalaki para makapaglingkod siya bilang matandang lalaki. Halos ganiyan din ang sinabi ni Pablo sa 1Ti 3:4. (Tingnan ang study note.) Pero dito, idinagdag niya na dapat na ‘nananampalataya’ ang mga anak ng isang matandang lalaki. Hindi ipinapahiwatig dito ni Pablo na dapat pilitin ng isang Kristiyanong ama ang mga anak niya na maging mánanampalatayá; salungat iyon sa kalayaang magpasiya na mababasa sa Kasulatan. (Deu 30:15, 16, 19) Sa halip, para maging isang matandang lalaki, kailangang ipakita ng isang ama na ibinigay niya ang buong makakaya niya para tulungan ang mga anak niya na maging Kristiyano. Dapat na sundin niyang mabuti ang tagubilin ni Jehova sa mga ama kung paano magpalaki ng mga anak.—Deu 6:6, 7; tingnan ang study note sa Efe 6:4; Col 3:21.

      masamang pamumuhay: Ang salitang Griego na isinalin ditong “masamang pamumuhay” ay puwede ring isaling “pagiging suwail.” Kadalasan nang tumutukoy ito sa maluho, maaksaya, at imoral na pamumuhay. (1Pe 4:4) Ang kaugnay nitong salitang Griego ay lumitaw sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa suwail na anak na naglayas at ‘namuhay nang masama’; kasama dito ang paglustay ng mana niya sa mga babaeng bayaran.—Luc 15:13 at study note, 30.

      pagrerebelde: Sa isang diksyunaryo, ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo ay nangangahulugang “ayaw magpasakop sa awtoridad, walang disiplina, masuwayin.” Hindi puwedeng maging tagapangasiwa ang isang Kristiyanong lalaki kung hinahayaan niya ang mga anak niya na maging rebelyoso at di-makontrol.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share