-
Tito 1:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Kailangang itikom ang bibig ng mga ito, dahil pami-pamilya ang inililihis nila sa katotohanan sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga bagay na hindi nila dapat ituro at ginagawa nila ito dahil sakim sila sa pakinabang.
-
-
Mga Study Note sa Tito—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
itikom ang bibig ng mga ito: Gumamit dito si Pablo ng pandiwang Griego na ayon sa isang diksyunaryo ay nangangahulugang “‘pasakan ang bibig’ para mapatahimik ito, gaya ng paglalagay ng busal, renda, o iba pang tulad nito.” Ang ilan sa kongregasyon ay nagkakalat ng maling mga doktrina, at “pami-pamilya [pa nga] ang inililihis nila sa katotohanan.” Kailangang protektahan ng hinirang na mga tagapangasiwa ang kawan ni Jehova mula sa ganitong mga tao, at kailangan nilang “itikom ang bibig ng mga ito,” o pigilang kumalat at makaimpluwensiya sa kongregasyon ang rebelyosong mga ideyang itinuturo ng mga ito. Magagawa ito ng mga tagapangasiwa kung magbibigay sila sa gayong mga lalaki ng matinding saway o aalisin pa nga sa kongregasyon ang mga ito kung kailangan dahil sa paulit-ulit na pagbale-wala sa payo at pagkakalat ng maling mga turo.—Tit 1:9, 10, 13; 3:10, 11.
-