-
Tito 3:3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
3 Dahil tayo rin noon ay mga mangmang, masuwayin, naililigaw, alipin ng mga pagnanasa at kaluguran, gumagawa ng masama at mainggitin, kasuklam-suklam, at napopoot sa isa’t isa.
-
-
Mga Study Note sa Tito—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tayo rin noon ay mga mangmang: Sa kontekstong ito, ang salitang Griego para sa “mangmang” ay hindi tumutukoy sa mga mapurol ang isip, kundi sa mga kulang sa karunungan. Nang gamitin ni Pablo ang salitang “tayo,” ipinapahiwatig niya na naging mangmang din siya noon nang pag-usigin niya ang mga tagasunod ni Kristo. (1Ti 1:13) Pero pinagpakitaan ng awa si Pablo, at nagbago siya. (Gaw 9:17) Kaya may dahilan si Pablo para hilingin kay Tito na ipaalala sa mga Kristiyano sa Creta na dati rin silang walang alam sa matuwid na mga pamantayan ni Jehova. Kapag mapagpakumbabang kinilala ng mga Kristiyanong iyon na marami rin silang pangit na ugali noon, malamang na mas pagsisikapan nilang maging mahinahon at makatuwiran sa pakikitungo sa mga hindi pa mánanampalatayá.
-