Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tito 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 dahil alam mong lumihis na sa daan ang gayong tao at nagkakasala na siya at nahatulan na dahil sa sarili niyang paggawi.

  • Tito 3:11
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 11 yamang nalalaman na ang gayong tao ay nailihis ng landas at nagkakasala, palibhasa’y hinahatulan ng sarili.+

  • Mga Study Note sa Tito—Kabanata 3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 3:11

      lumihis na sa daan: Inilalarawan ng ekspresyong ito ang isang tao na lumihis “mula sa kung ano ang tinatanggap na totoo o tama.” Ayon sa ilang iskolar, ang orihinal na pandiwang Griego na ginamit dito ay nangangahulugang “bumaligtad,” na puwedeng magpahiwatig na binabaluktot ng isa ang katotohanan mula sa Kasulatan. Dapat itakwil, o alisin sa kongregasyon, ang ganitong tao.

      nahatulan na dahil sa sarili niyang paggawi: Ipinapakita ng ekspresyong ito kung gaano kaseryoso ang pagtataguyod ng sekta sa kongregasyon. May ilan na may pag-aalinlangan lang pero handa namang makinig; pero hindi ganiyan ang isang taong ayaw pa ring magbago “matapos paalalahanan nang dalawang beses.” (Tit 3:10; Jud 22, 23) Nahatulan na siya at mapupuksa sa hinaharap dahil sa katigasan ng ulo niya at sadyang pagsira sa pagkakaisa ng kongregasyon.—2Pe 2:1.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share