Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filemon 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Ako si Pablo, isang bilanggo+ alang-alang kay Kristo Jesus, at kasama ko si Timoteo,+ na ating kapatid. Sumusulat ako kay Filemon, ang minamahal naming kamanggagawa,

  • Filemon 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 1 Si Pablo, isang bilanggo+ alang-alang kay Kristo Jesus, at si Timoteo,+ na ating kapatid, kay Filemon, ang aming minamahal at kamanggagawa,+

  • Filemon
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1

      “Lahat ng Kasulatan,” p. 182

  • Mga Study Note sa Filemon
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1

      Ako si Pablo . . . at kasama ko si Timoteo: O “Mula kay Pablo . . . at Timoteo.” Si Pablo ang sumulat ng liham na ito kay Filemon, pero isinama niya si Timoteo sa panimulang pagbati, gaya ng ginawa niya sa iba pa niyang liham. (2Co 1:1; Col 1:1; 1Te 1:1; 2Te 1:1) Kasama ni Pablo si Timoteo nang isulat niya ang liham na ito noong unang pagkabilanggo niya sa Roma. (Tingnan ang study note sa Fil 1:1.) Posibleng kilala ni Filemon si Timoteo dahil kasama ito ni Pablo sa Efeso nang maipangaral ang mabuting balita sa iba pang lunsod sa rehiyong iyon, kasama na ang Colosas.—Gaw 19:22; 1Co 4:17; 16:8-10; tingnan ang Ap. B13; tingnan din ang study note sa 1Co 16:9.

      isang bilanggo: Sa maraming liham ni Pablo, tinawag niya ang sarili niya na “isang apostol” ni Kristo Jesus. (Para sa halimbawa, tingnan ang 1Co 1:1; Efe 1:1; Col 1:1; 1Ti 1:1; Tit 1:1.) Pero lumilitaw na ayaw niyang mapilitan si Filemon na sundin siya dahil lang sa isa siyang apostol. Kaya ginamit niya rito ang salitang “bilanggo,” na ayon sa isang reperensiya ay “isang katawagang aantig sa puso ng kaibigan niya.” Ipapaalala nito kay Filemon ang mahirap na kalagayan ni Pablo, na posibleng makakatulong sa kaniya na tumugon nang positibo sa pakiusap ni Pablo sa liham na ito.—Flm 9-12, 17.

      isang bilanggo alang-alang kay Kristo Jesus: Lit., “isang bilanggo ni Kristo Jesus.” Ibinilanggo si Pablo sa Roma dahil sa pagiging tagasunod ni Kristo.—Flm 9; tingnan ang study note sa 2Ti 1:8.

      Filemon, ang minamahal naming kamanggagawa: Si Filemon ay miyembro ng kongregasyon sa Colosas, isang lunsod sa lalawigan ng Asia. (Col 4:9) Posibleng si Pablo ang nagpatotoo sa kaniya para maging Kristiyano. (Flm 19) Hindi nangaral si Pablo sa Colosas, pero malamang na nakilala niya si Filemon sa Efeso nang “[marinig] ng lahat ng naninirahan sa lalawigan ng Asia ang salita ng Panginoon.” (Gaw 19:10) Hindi nakasama ni Pablo si Filemon sa mga paglalakbay niya bilang misyonero, pero itinuturing niya itong kamanggagawa dahil tumulong ito na mapalaganap ang mabuting balita.—Tingnan ang study note sa Ro 16:3; 1Co 3:9.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share