-
Filemon 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
5 dahil lagi kong naririnig ang tungkol sa pananampalataya mo at pag-ibig sa Panginoong Jesus at sa lahat ng banal.
-
-
Mga Study Note sa FilemonBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pananampalataya mo at pag-ibig: Itinampok sa personal na liham na ito ang pananampalataya at pag-ibig. Madalas pag-ugnayin ni Pablo ang dalawang ito. (Efe 1:15; Col 1:4) Dito, kinomendahan niya si Filemon (na ang pangalan ay nangangahulugang “Mapagmahal”) sa pagkakaroon ng mga katangiang ito. Naipapakita ni Filemon ang pananampalataya at pag-ibig niya kay Jesus sa paraan ng pakikitungo niya sa mga banal, o sa mga kapananampalataya niya.
-