-
Filemon 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Tuwang-tuwa ako at talagang napatibay nang marinig ko ang tungkol sa pag-ibig mo, dahil naantig mo ang puso ng mga banal, kapatid ko.
-
-
Mga Study Note sa FilemonBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
puso: Ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo (splagkhʹnon), na isinaling “puso,” ay literal na tumutukoy sa mga laman-loob. Sa makasagisag na diwa, tumutukoy ito sa matinding damdaming nadarama sa kaloob-looban ng isang tao o sa pinanggagalingan ng damdaming iyon. (Tingnan din ang study note sa 2Co 6:12.) Ginamit ulit ni Pablo ang salitang Griegong ito sa talata 12 at 20. Sinasabi sa isang reperensiya: “Makikita sa madalas na paggamit ni Pablo sa salitang ito sa maiksing liham niya kay Filemon kung gaano siya kaapektado sa isyung ipinapakipag-usap niya.”
kapatid: Madalas na “kapatid” ang tawagan ng unang mga Kristiyano. (Ro 16:1; 1Co 7:15; Flm 1, 2) Sa paggamit ng terminong ito, naipapakita ng mga Kristiyano ang pagkakaisa nila at malapít na ugnayan bilang isang espirituwal na pamilya, na ang Ama ay si Jehova. (Mat 6:9; 23:9; Efe 2:19 at study note; 1Pe 3:8) Ayon sa ilang iskolar, nang tawagin ni Pablo si Filemon na “kapatid” dito at sa talata 20, gumamit ang apostol ng anyo ng pantawag na nagpapakita ng napakalapít na ugnayan nila. Kaya naman puwede itong isaling “kapatid ko” o “mahal na kapatid,” gaya ng mababasa sa iba pang Bibliya.
-