Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Filemon 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Kaya kahit puwedeng-puwede kitang utusan na gawin kung ano ang tama dahil isa akong apostol ni Kristo,

  • Filemon 8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Sa dahilan ngang ito, bagaman ako ay may malaking kalayaan sa pagsasalita may kaugnayan kay Kristo na utusan+ kang gawin ang wasto,

  • Mga Study Note sa Filemon
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 8

      puwedeng-puwede kitang utusan . . . dahil isa akong apostol ni Kristo: O “may malaking kalayaan ako sa pagsasalita may kaugnayan kay Kristo na utusan ka.” Ang salitang Griego na par·re·siʹa na ginamit sa ekspresyong ito ay pangunahin nang nangangahulugang “katapangan sa pagsasalita.” Puwede sanang gamitin ni Pablo ang awtoridad na ibinigay sa kaniya ni Jesus bilang isang apostol. Pero gaya ng ipinaliwanag niya sa sumunod na talata, hindi niya ito gagamitin para utusan si Filemon at hindi rin niya sasamantalahin ang kaugnayan nila bilang magkapananampalataya para pilitin itong gawin ang ayaw nito. (Flm 9, 14) Kaya sa kontekstong ito, malamang na ginamit ni Pablo ang termino para sa “kalayaan sa pagsasalita” para tumukoy sa tapatang pag-uusap ng isang magkaibigan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share