-
Filemon 11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Wala siyang silbi sa iyo noon, pero ngayon ay malaking tulong siya sa iyo at sa akin.
-
-
Mga Study Note sa FilemonBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Wala siyang silbi . . . noon, pero ngayon ay malaking tulong siya: Ipinakita dito ni Pablo ang malaking pagbabagong nangyari kay Onesimo. “Wala siyang silbi” noon; posibleng hindi talaga siya maaasahang alipin bago pa niya layasan ang panginoon niya. (Tingnan ang study note sa Flm 18.) Pero ngayong isa na siyang Kristiyano, “malaking tulong” na siya kay apostol Pablo at siguradong pati na rin kay Filemon.
Wala siyang silbi . . . malaking tulong siya: Ang pangalang Onesimo ay nangangahulugang “Kapaki-pakinabang; Malaking Tulong,” na ayon sa ilang reperensiya ay karaniwang pangalan noong unang siglo C.E., lalo na ng mga alipin. Sa talatang ito, ang salitang ginamit ni Pablo para sa “malaking tulong” ay kasingkahulugan ng pangalang Onesimo. Gumamit din si Pablo ng magkasalungat pero magkatunog na mga salitang Griego para sa ‘walang silbi’ (aʹkhre·stos) at “malaking tulong” (euʹkhre·stos). Ang pinangalanang “malaking tulong” ay matagal na naging ‘walang silbi,’ pero ngayon, talagang “malaking tulong” na siya.—Tingnan ang study note sa Col 4:9; Flm 10.
-