-
Filemon 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
15 Marahil nga dahil dito ay humiwalay siya nang isang oras, upang siya ay mapasaiyong muli magpakailanman,
-
-
Mga Study Note sa FilemonBagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Baka ito talaga ang dahilan kaya siya humiwalay sa iyo: Parang ipinapahiwatig dito ni Pablo na may kinalaman si Jehova sa nangyari kay Onesimo, na naging Kristiyano matapos itong lumayas sa panginoon niya. Puwede na siyang tanggapin ulit ni Filemon, hindi bilang isang alipin, kundi bilang kapatid sa espirituwal. Ipinakita pa ni Pablo na anumang problema ang naidulot ng paglayas ni Onesimo, sandali (lit., “isang oras”) lang iyon kung ikukumpara sa nabuo nilang kaugnayan sa espirituwal na mananatili magpakailanman. “Walang hanggan” silang maglilingkod nang magkasama.—Jud 21; Apo 22:5.
-