Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Ngayon, sa katapusan ng mga araw na ito, nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng isang Anak,+ na ginawa niyang tagapagmana ng lahat ng bagay;+ at sa pamamagitan ng Anak ay ginawa niya ang mga sistema ng mga bagay.*+

  • Hebreo 1:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 ay nagsalita sa atin sa wakas ng mga araw na ito+ sa pamamagitan ng isang Anak,+ na inatasan niyang tagapagmana ng lahat ng bagay,+ at sa pamamagitan niya ay kaniyang ginawa+ ang mga sistema ng mga bagay.

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:2

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 656

      Kaunawaan, p. 1034, 1178

      Ang Bantayan,

      6/15/1998, p. 25

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:2

      Ngayon, sa katapusan ng mga araw na ito: Lumilitaw na tinutukoy dito ni Pablo ang katapusan ng Judiong sistema. (1Co 10:11 at study note) Nagsimula ang sistemang ito nang maging bansa ang Israel noong 1513 B.C.E. Noong panahong iyon, nakikipag-usap ang Diyos sa bayan niya sa pamamagitan ni Moises. Pero nangako si Jehova na magpapadala siya ng isang propetang gaya ni Moises. “Makinig kayo sa kaniya,” ang sabi ni Moises. (Deu 18:15, 18, 19) Ang inihulang propetang iyon ay si Jesu-Kristo. (Ju 5:46) Siya ang tinutukoy ni Pablo nang sabihin nitong nagsalita ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng isang Anak. Bilang Anak ng Diyos, di-hamak na nakahihigit si Jesus sa lahat ng di-perpektong propetang nauna sa kaniya. Sa ganiyang paraan sinimulan ni Pablo ang napakahalagang punto ng liham na ito: Nakahihigit ang pagsamba ng mga Kristiyano sa pagsamba ng mga Judio.

      na ginawa niyang tagapagmana ng lahat ng bagay: Ang tagapagmana ang may karapatang tumanggap, o magmana, ng pera, ari-arian, o awtoridad ng isa. Pero sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, mas madalas na iniuugnay ang mga salitang “tagapagmana” at ‘magmana’ sa pagtanggap ng isang tao sa mga gantimpala ng Diyos. (Mat 5:5 at study note; 19:29; 25:34 at study note; 1Co 6:9) Sa tekstong ito, pinili ng Diyos ang panganay na Anak niya para maging tagapagmana ng “lahat ng bagay.” Nangangahulugan ito na ibinigay sa kaniya ng Diyos ang awtoridad sa lahat ng bagay sa langit at lupa. (Aw 2:8; Mat 28:18; Heb 1:6; 2:8; 1Pe 3:22; Apo 11:15) Ang Ama lang niyang si Jehova ang mas mataas kaysa sa kaniya.—1Co 15:27, 28; Fil 2:9-11.

      sa pamamagitan ng Anak ay ginawa niya ang mga sistema ng mga bagay: Dito, ang pariralang “sistema ng mga bagay” ay puwedeng tumukoy sa dalawang bagay o higit pa. Una, puwede itong tumukoy sa pagkakakilanlan ng isang espesipikong yugto ng panahon. Puwede ring isaling “panahon” ang salitang Griegong ginamit dito. Sa liham na ito, bumanggit si Pablo ng tapat na mga lingkod ng Diyos na nabuhay bago ang Baha, noong panahon ng mga patriyarka, at noong may bisa pa ang tipan ng Diyos sa Israel. Sa lahat ng partikular na panahong ito, gumawa ng paraan ang Diyos para makalapit sa kaniya ang mga tao at masamba siya. Pero lagi niyang binabanggit ang panahon kung kailan lubusan nang maipagkakasundo ang mga tao sa kaniya sa pamamagitan ng Anak niya. Sa panahong Kristiyano, ginawa niya ang bagong tipan base sa sakripisyo ni Jesus. Sinasabing ang Kristiyanong sistemang ito ay ginawa sa pamamagitan ni Kristo, dahil bilang “tagapamagitan ng isang bagong tipan,” napakalaki ng papel ni Jesus para matupad ang layunin ng Diyos. (Heb 1:3; 2:9; 12:24; tingnan din sa Glosari, “Sistema.”) Ikalawa, ang ekspresyon dito na “sistema ng mga bagay” ay puwedeng tumukoy sa mundo o uniberso, ibig sabihin, sa lahat ng pisikal na nilalang ng Diyos, gaya ng araw, buwan, bituin, at lupa. Bilang “dalubhasang manggagawa,” katulong si Jesus sa paglalang ng lahat ng ito.—Kaw 8:30; Ju 1:3; ihambing ang Heb 11:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share