Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Makikita sa kaniya ang kaluwalhatian ng Diyos+ at siya ang Kaniyang eksaktong larawan,+ at pinananatili niya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita. At pagkatapos niya tayong dalisayin mula sa ating mga kasalanan,+ umupo siya sa kanan ng Dakilang Diyos sa kaitaasan.+

  • Hebreo 1:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Siya ang sinag ng kaniyang kaluwalhatian+ at ang eksaktong larawan ng kaniya mismong sarili,+ at pinananatili niya ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan;+ at pagkatapos niyang gumawa ng pagpapadalisay para sa ating mga kasalanan+ ay umupo siya sa kanan+ ng Karingalan sa matatayog na dako.+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:3

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 64, 185

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:3

      Makikita sa kaniya ang kaluwalhatian ng Diyos: Isa ito sa mga ekspresyong ginamit ni Pablo para ilarawan ang espesyal na ugnayan ng binuhay-muling si Jesu-Kristo at ng Ama niya sa langit. Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, dito lang lumitaw ang salitang Griego na isinaling “makikita sa kaniya,” na literal na nangangahulugang “nagliliwanag.” Ang salitang ito ay puwedeng mangahulugan ng dalawang bagay—pinanggagalingan ng liwanag o nagpapaaninag ng liwanag na iba ang pinanggagalingan. Hindi nanggagaling kay Jesus ang kaluwalhatian ng Ama niya. Sa halip, “larawan [siya] ng di-nakikitang Diyos.” (Col 1:15; ihambing ang Ju 5:19.) Kaya ang saling “makikita sa kaniya” na nagpapahiwatig na ipinaaaninag niya ang kaluwalhatian ng Diyos ay kaayon ng iba pang mga turo sa Bibliya at ng ekspresyong “eksaktong larawan” sa talatang ito.

      siya ang Kaniyang eksaktong larawan: Ang salitang Griego na isinaling “eksaktong larawan” (kha·ra·kterʹ) ay literal na tumutukoy sa “isang marka o tatak sa isang bagay.” Sa mga sekular na akdang Griego, ang terminong ito ay tumutukoy sa mga ukit sa kahoy o metal, tatak sa balat ng hayop, ukit sa luwad, o mga larawang makikita sa barya. Sa tekstong ito, ginamit ang salitang Griego para ilarawan kung paano perpektong makikita sa binuhay-muling si Jesus ang personalidad at lahat ng iba pang katangian ng Ama niya sa langit. Kahit noong nasa lupa si Jesus bilang perpektong tao, lubusan niyang naipakita ang personalidad ng Ama niya sa antas na kaya ng isang tao. (Tingnan ang study note sa Ju 14:9.) Pero noong buhaying muli ni Jehova si Jesus at bigyan ng “isang nakatataas na posisyon,” mas naging kagaya pa si Jesus ng kaniyang Ama. (Fil 2:9; Heb 2:9) Imortal na siya at may “kakayahang magbigay ng buhay.” (Ju 5:26 at study note; Ro 6:9; Apo 1:18) Kaya siya na ngayon ang “eksaktong larawan” ng Diyos.—Heb 1:2-4.

      pinananatili niya ang lahat ng bagay: Bilang patunay ng napakalaking awtoridad ni Kristo Jesus, ipinakita ni Pablo na binigyan ng Diyos ang Anak niya ng kapangyarihang panatilihin ang “lahat ng bagay” sa uniberso. (Ihambing ang Col 1:16, 17.) Ang salitang Griego para sa “pinananatili” ay puwedeng mangahulugang “pinapatatag; sinusuportahan.” Dito, nangangahulugan itong “iniingatan ang isang bagay para hindi ito masira o mawala.” Marami ring ginagawa si Jesus para matupad ang mga layunin ni Jehova.

      sa pamamagitan ng makapangyarihan niyang salita: Lit., “sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan.” Malamang na kapangyarihan ni Jehova ang tinutukoy dito ni Pablo. Na kay Jehova ang lahat ng kapangyarihan, pero binibigyan niya rin nito ang iba para magawa ang kalooban niya.—Isa 40:26, 29-31; Luc 5:17; Fil 2:13; 4:13.

      umupo siya sa kanan ng Dakilang Diyos: ‘Dinalisay’ ni Jesus ang mga tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng ‘pag-aalay ng isang handog para sa mga kasalanan na ang bisa ay walang hanggan.’ (Heb 10:12, 13) Bilang gantimpala, binuhay siyang muli ni Jehova bilang espiritu at ibinigay sa kaniya “ang lahat ng awtoridad . . . sa langit at sa lupa,” isang posisyong nakahihigit pa sa posisyon niya noon bago siya bumaba sa lupa. (Mat 28:18; Fil 2:9-11; Heb 2:9; 1Pe 3:18) Posibleng galing sa Aw 110:1 ang ekspresyong “sa kanan ng Dakilang Diyos,” si Jehova. (Heb 1:13 at study note; 8:1; 12:2) Ang ‘pag-upo sa kanan’ ay nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng kapangyarihan, awtoridad, at karangalan. Ibig sabihin, pumapangalawa siya kay Jehova.​—Ro 8:34; 1Co 15:27, 28; Efe 1:20; tingnan ang study note sa Gaw 7:55.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share