Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 1:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Pero tungkol sa Anak, sinabi niya: “Ang Diyos ang trono mo+ magpakailanman, at ang setro ng iyong Kaharian ay setro ng katuwiran.*

  • Hebreo 1:8
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 8 Ngunit may kinalaman sa Anak: “Ang Diyos ang iyong trono magpakailan-kailanman,+ at ang setro ng iyong kaharian+ ay ang setro ng katuwiran.+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 1:8

      Kaunawaan, p. 1136, 1221, 1347

      Ang Bantayan,

      3/15/2007, p. 6

      Nangangatuwiran, p. 429-430

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 1
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 1:8

      Ang Diyos ang trono mo magpakailanman: Ang Diyos na Jehova ang trono ni Jesus sa diwa na si Jehova ang nagbigay kay Jesus ng awtoridad at nagtalaga sa kaniya bilang hari. Binigyan ni Jehova ang anak niya ng “awtoridad na mamahala, ng karangalan, at ng isang kaharian.” (Dan 7:13, 14; Luc 1:32) Sa Heb 1:8, 9, sinipi ni Pablo ang Aw 45:6, 7. Ang orihinal na Griego ay puwedeng isalin sa ganitong paraan, gaya ng mababasa sa maraming Bibliya: “Ang trono mo, O Diyos, ay magpakailanman.” Pero may makatuwirang mga dahilan kung bakit masasabing angkop ang salin ng Bagong Sanlibutang Salin (at ng iba pang Bibliya): “Ang Diyos ang trono mo magpakailanman.” Halimbawa, sinasabi sa Heb 1:9: “Ang Diyos, ang iyong Diyos, ay nagpahid sa iyo.” Kaya ipinapakita sa konteksto na ang pananalita sa Heb 1:8 (o Aw 45:6) ay hindi patungkol sa Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat, kundi sa isa sa mga mananamba niya. Isa pa, ang pananalita sa Aw 45:6, 7 ay hindi rin patungkol sa Diyos, kundi sa isang taong hari sa Israel na pinili ng Diyos. At dahil isa rin itong hula, matutupad ito sa isa ring hari—isang dakilang Hari na pinili ng Diyos, ang Mesiyas.

      ang setro ng iyong Kaharian: Ang “setro” na hawak ni Jesu-Kristo ay sumasagisag sa awtoridad niya bilang hari. (Aw 110:2; tingnan sa Glosari, “Setro.”) Mula ito sa hula sa Aw 45:6, na nagsasabing laging gagamitin ng Mesiyanikong Hari sa tamang paraan ang awtoridad na ibinigay sa kaniya ni Jehova. Kaya naman tinatawag ang setro niya na “setro ng katuwiran [o, “katarungan”].”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share