-
Hebreo 1:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Maglalaho ang mga ito, pero ikaw ay mananatili; at gaya ng isang kasuotan, lahat ng ito ay maluluma,
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 1Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Maglalaho ang mga ito: Sinipi dito ni Pablo ang Aw 102:26, na nagpapakitang ang literal na “langit” at “lupa” ay puwedeng maglaho. (Heb 1:10) Puwedeng maglaho ang mga ito kung iyan ang layunin ng Diyos. At di-gaya ni Jehova, ang langit at lupa ay puwede talagang masira sa natural na proseso. Kaya naman sinasabi rin sa tekstong ito na gaya ng isang kasuotan, lahat ng ito ay maluluma. Pero tinitiyak ng Diyos sa mga lingkod niya na kaya niyang ingatan at talagang iingatan niya ang mga nilalang niya magpakailanman ayon sa kalooban niya.—Aw 148:4-6; tingnan din ang Aw 104:5; Ec 1:4.
pero ikaw ay mananatili: Sa gabay ng banal na espiritu, ipinatungkol ni Pablo kay Jesus ang Aw 102:26. (Tingnan ang study note sa Heb 1:10.) Ipinapakita niya dito ang pagkakaiba ng Anak ng Diyos (“ikaw ay mananatili”) at ng literal na langit at lupa (“maglalaho ang mga ito”). Ang binuhay-muling si Jesus ay binigyan ng di-nabubulok na katawan at ng “buhay na di-magwawakas.” (Heb 7:16 at study note) Kaya naman ang pagiging permanente ng Anak ng Diyos ay nakahihigit pa sa langit at sa lupa na ginawa ng Diyos katulong siya.—Gen 1:26; Col 1:15.
-