Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Dahil kung ang salitang sinabi sa pamamagitan ng mga anghel+ ay napatunayang totoo, at ang lahat ng lumabag at sumuway ay naparusahan ayon sa katarungan,+

  • Hebreo 2:2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 2 Sapagkat kung ang salita na sinalita sa pamamagitan ng mga anghel+ ay naging matatag, at ang bawat pagsalansang at gawang pagsuway ay tumanggap ng kagantihan na kasuwato ng katarungan;+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:2

      Ang Bantayan,

      5/1/1990, p. 30

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:2

      ang salitang sinabi sa pamamagitan ng mga anghel: Ito ang ikatlong pagkakataon na sinabi sa Kristiyanong Griegong Kasulatan na gumamit ang Diyos ng mga anghel para iparating sa bayan niya ang Kautusang Mosaiko. (Tingnan ang study note sa Gaw 7:53; Gal 3:19; ihambing ang Gaw 7:38.) Hindi iyan espesipikong binabanggit sa Hebreong Kasulatan. Pero malamang na maraming Judio noong panahon ni Pablo ang sang-ayon sa katotohanang ito. Ayon sa turo ng mga Judio noong unang siglo, gumamit ang Diyos ng mga anghel para maiparating sa mga tao ang Kautusan. (Ihambing ang Jewish Antiquities ni Josephus, Book 15, kab. 5, par. 3 [Loeb 15.136].) Kapansin-pansin din na sa Deu 33:2, binanggit ni Moises na kasama ni Jehova ang “napakaraming banal” at “mga mandirigma niya.” Pagkatapos, sinabi sa sumunod na mga talata na ibinigay ni Jehova sa bayan niya ang Kautusan. Sa talata 2, ginamit ng Septuagint ang salitang Griego para sa “mga anghel” imbes na “mga mandirigma.”

      napatunayang totoo: Idiniin ni Pablo na talagang totoo, o mapananaligan, ang Kautusang Mosaiko nang sabihin niya na ang “lahat ng lumabag” dito ay naparusahan ayon sa katarungan. Matatag din ito, o may bisa, sa loob ng mahabang panahon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share