-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ipinagwalang-bahala: Ang pandiwang Griego na isinaling “ipinagwalang-bahala” ay nangangahulugang “walang pakialam; bale-walain.” (Ihambing ang Mat 22:5, kung saan ang pandiwang ito ay isinaling “hindi . . . pinansin.”) Ibig sabihin, kapag ipinagwawalang-bahala ng isang Kristiyano ang kaligtasan niya sa pamamagitan ni Kristo, sinasadya niya iyon. Kaya naman pinayuhan ni Pablo ang mga Hebreong Kristiyano na “magbigay ng higit sa karaniwang pansin” sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng Anak Niya.—Heb 2:1.
Dahil una itong inihayag ng ating Panginoon: Ipinarating ng Diyos sa mga tao ang mensahe tungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng “ating Panginoon,” si Jesu-Kristo. Marami sa mga tagapakinig niya ang naging alagad niya at nangaral sa iba; kaya tiniyak nila, o kinumpirma, ang mga sinabi ni Jesus. (Mat 28:19, 20; Gaw 1:1, 8; 10:39-43; 1Ti 2:5, 6) Kaya kahit ang mga mánanampalatayá na hindi nakakita o nakarinig kay Jesus ay makakapagtiwala na ang Anak ng Diyos talaga ang naghayag ng mensahe tungkol sa kaligtasan.—1Pe 1:8.
-