-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang darating na lupa: Lumilitaw na ang tinutukoy dito ni Pablo ay ang lipunan ng mga tao sa lupa sa hinaharap sa ilalim ng pamamahala ni Jesu-Kristo. (Aw 37:29; Mat 5:5 at study note; 2Pe 3:13; ihambing ang Heb 1:6 at study note.) Sinasabi ng ilang iskolar na sa talatang ito, kasama ang langit sa kahulugan ng ekspresyong Griego na isinaling “lupa” (lit., “tinitirhan”). Pero sa lahat ng iba pang paglitaw ng terminong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, tumutukoy ito sa buong lupa o sa isang bahagi nito na tinitirhan ng mga tao. Isa ito sa mga dahilan kung bakit isinalin itong “lupa” sa tekstong ito. (Tingnan ang study note sa Luc 2:1; Gaw 17:31.) Naniniwala ang mga Kristiyano na may mga tao talagang aakyat sa langit (Heb 3:1), pero itinuturo ng talatang ito na hindi nagbago ang orihinal na layunin ng Diyos na titira ang mga tao sa paraisong lupa.—Ihambing ang Luc 23:43 at study note.
-