-
Hebreo 2:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Ginawa mo siyang mas mababa nang kaunti sa mga anghel; kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan, at inatasan mo siya sa mga gawa ng iyong kamay.
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Ginawa mo siyang mas mababa nang kaunti sa mga anghel: Nang isulat ni Haring David ang mga salitang sinipi rito (Aw 8:4-6), ikinukumpara niya ang mga tao sa makapangyarihang mga anghel. (Tingnan ang Aw 8:5, tlb.) Ginawa ang mga tao na may “dugo at laman.” (Heb 2:14; Aw 144:3) Nakahihigit ang mga anghel sa mga tao dahil mga espiritung nilalang sila na mas malakas at mas magaling. (2Pe 2:11) Sa ilang Bibliya, ang mababasa dito ay “Pansamantala mo siyang ginawang mas mababa sa mga anghel,” pero walang ganiyang ideya sa tekstong Hebreo ng Aw 8:5 na sinipi ni Pablo.—Para sa paliwanag kung paano ipinatungkol kay Jesus ang talatang ito, tingnan ang study note sa Heb 2:9.
kinoronahan mo siya ng kaluwalhatian at karangalan: Ipinagpatuloy ni Pablo ang pagsipi niya sa Aw 8:4-6. Isinulat doon ni David na binigyan ng Diyos ang mga tao ng “kaluwalhatian at karangalan” at ipinamahala sa kanila ang lupa. (Gen 1:26-28; Heb 2:6-8) Pero ipinakita ni Pablo na may mas malalim pang kahulugan ang tekstong ito; isa itong hula tungkol kay Jesu-Kristo, ang nag-iisang perpektong tao na nanggaling kay Adan. Gaya ng makikita sa sumunod na mga talata, kokoronahan si Jesus ng higit na kaluwalhatian at karangalan dahil handa niyang ihandog ang perpektong buhay niya bilang tao. (Heb 2:9 at study note) Sa paggawa nito, naging posible na maibalik sa masunuring mga tao ang kaluwalhatian at karangalan na ibinigay noon ng Diyos.—Ihambing ang study note sa 1Co 15:45.
-