-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Inilagay mo ang lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa niya: Sinipi dito ni Pablo ang huling bahagi ng Aw 8:6. Sa pangkalahatan, ang nilalaman ng Aw 8:4-9 ay puwedeng tumukoy sa mga tao. Pero sa gabay ng banal na espiritu, maraming beses na ipinaliwanag ni Pablo na hula tungkol sa Mesiyas ang awit na ito. (1Co 15:27; Efe 1:22) Hindi puwedeng tumukoy sa di-perpektong tao ang sinipi dito ni Pablo; ang unang tao lang na si Adan ang nabigyan ng ganiyang awtoridad sa lupa. (Gen 1:28) Pero hindi nagampanan ni Adan ang atas niyang ito. Binigyan ni Jehova si Jesus, “ang Anak ng tao,” ng malaking awtoridad, dahil nagtitiwala siyang magagawa ni Kristo ang hindi nagawa ni Adan. (Mat 20:28; 28:18) Nang isugo ni Jehova ang Anak niya para maging tao, ginawa Niya siyang “mas mababa nang kaunti sa mga anghel.” Pero bandang huli, si Jesus ay magiging Mesiyanikong Hari at “[ilalagay] ang lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa niya.”—Heb 2:7, 8.
-