-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
si Jesus . . . ginawa siya noong mas mababa nang kaunti sa mga anghel: Gaya ng ipinaliwanag sa study note sa Heb 2:7, ipinatungkol ni Pablo kay Jesus ang Aw 8:4-6. Noong bumaba si Jesus sa lupa, talagang naging “mas mababa [siya] nang kaunti sa mga anghel”—siya ay naging “anak ng tao.” (Heb 2:6; tingnan ang study note sa Mat 8:20.) Bilang perpektong tao, matutumbasan niya si Adan. Kaya puwede niyang ibigay na pantubos ang perpektong buhay niya. Sa paggawa nito, “[matitikman] niya ang kamatayan para sa bawat tao.”—Tingnan din sa Glosari, “Anak ng tao,” at mga study note sa Ju 1:14.
matikman niya ang kamatayan para sa bawat tao: Ang ekspresyong Griego na isinalin ditong “matikman niya” ay puwedeng literal na mangahulugang kumain o uminom nang kaunti. (Mat 27:34) Pero ginagamit din ang ekspresyong ito sa makasagisag na paraan. Sa mga Ebanghelyo, ginamit ang ekspresyong Griego na puwedeng literal na isaling “tikman ang kamatayan” at tumutukoy ito sa pagdanas ng kamatayan. (Mat 16:28; Mar 9:1; Luc 9:27; Ju 8:52) Natikman ni Jesus ang kamatayan nang ibigay niya ang buhay niya bilang pantubos. Ayon sa isang reperensiya, inilalarawan ng ekspresyong “tikman ang kamatayan” ang “sakit at paghihirap ng kalooban na nararanasan ng mga tao at naranasan din ni Jesus dahil sa kamatayan.” Isa pa, noong nasa lupa si Jesus, nakita niya ang nakakalungkot na epekto sa mga tao ng pagkamatay ng mahal sa buhay, at siya mismo, nasaktan din nang mamatayan siya ng isang mahal na kaibigan.—Ju 11:33-36.
-