Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 2:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Siya, na para sa kaniya at sa pamamagitan niya ay umiiral ang lahat ng bagay, ay nagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian.+ Kaya ang Punong Kinatawan para sa kaligtasan nila+ ay nararapat gawing ganap* ng Diyos sa pamamagitan ng mga pagdurusa.+

  • Hebreo 2:10
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 10 Sapagkat nararapat para sa isa na alang-alang sa kaniya ang lahat ng bagay+ at sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay, sa pagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian,+ na pasakdalin ang Punong Ahente+ ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa.+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:10

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1084

      Kaunawaan, p. 9-10, 1211-1212

      Bagong Sanlibutang Salin (nwt), p. 1965

      Ang Bantayan,

      2/15/1998, p. 12-13, 19-20

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:10

      Siya, na para sa kaniya at sa pamamagitan niya ay umiiral ang lahat ng bagay: Lumilitaw na tumutukoy ang pananalitang ito kay Jehova dahil siya ang dahilan kung bakit naging “ganap [si Jesus] sa pamamagitan ng mga pagdurusa,” gaya ng sinasabi sa talatang ito. Si Jehova lang ang Maylalang ng uniberso. (Ihambing ang Ro 11:36; Apo 4:11.) Pero may mga katulad ang ekspresyong ito na tumutukoy din kay Jesus, “ang larawan ng di-nakikitang Diyos.” (Col 1:15; tingnan din ang Ju 1:3, 10; Heb 1:2.) Noong nasa langit pa si Jesus, tinulungan si Jehova ng Anak Niya sa paglalang ng lahat ng bagay.​—Tingnan ang study note sa Col 1:16.

      nagdadala ng maraming anak sa kaluwalhatian: Nang bautismuhan si Jesus, ginamit ni Jehova ang banal na espiritu, o aktibong puwersa niya, para ‘maipanganak muli’ si Jesus at maging pinahirang Anak ng Diyos; dahil diyan, may pag-asa si Jesus na makabalik sa buhay niya sa langit. (Ju 3:3; 17:5) Siya ang una sa “maraming anak” na dinala sa kaluwalhatian sa langit. Nang maglaon, noong Pentecostes 33 C.E., nagdala ang Diyos ng mas marami pang “anak sa kaluwalhatian” nang pahiran niya ng banal na espiritu ang isang grupo ng mga alagad sa pamamagitan ni Jesus. Kaya naging mga anak sila ng Diyos, gaya ni Jesus. (Gaw 2:1-4) Mula noon, pumili pa si Jehova ng mga taong papahiran niya ng espiritu. Layunin niyang mag-atas ng 144,000 pinahirang Kristiyano na mamamahalang kasama ni Jesus sa langit. (2Ti 2:12; 4:18; Apo 5:10; 14:1, 3; 20:4, 6) Lubusang madadala sa kaluwalhatian ang pinahirang mga Kristiyano kapag natanggap na nila ang gantimpala nila sa langit matapos nilang mapatunayan na tapat sila sa ilalim ng mga pagsubok. (2Ti 4:8) Kaya ang “maraming anak” na dadalhin sa “kaluwalhatian” sa langit ay may bilang na 144,001​—si Jesus at ang espirituwal na mga kapatid niya.

      ang Punong Kinatawan para sa kaligtasan: Tumutukoy kay Jesu-Kristo, na nagbukas ng daan tungo sa kaligtasan at umakay sa mga tao sa daang ito.​—Tingnan sa Glosari, “Punong Kinatawan,” at study note sa Gaw 3:15; 5:31; Heb 12:2.

      nararapat: Nakita ni Jehova na nararapat na magdusa si Jesus para maging ganap, o perpekto, sa isang natatanging paraan. Naging pagsasanay sa kaniya ang mga pagdurusang naranasan niya para sa mga magiging atas niya. Dahil sa mga ito, naging handang-handa siya sa papel niya bilang isang maunawaing Mataas na Saserdote sa langit at Mesiyanikong Hari. (Heb 2:17; 4:15; 5:8, 9; 7:1, 17, 25) Kaya walang mali sa pagsasabing puwede pa ring maging ganap, o perpekto, ang isang taong hindi nagkakasala.​—1Pe 2:22.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share