-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang nagpapabanal: Si Jesu-Kristo.—Heb 13:12.
ang mga pinababanal: Ang mga pinahirang Kristiyano.
may iisang pinagmulan: Ibig sabihin, mula sa Diyos na Jehova. Siya ang Ama ni Jesu-Kristo, at inampon niya ang mga alagad ni Jesus sa pamamagitan ng pagpapahid sa kanila ng banal na espiritu.—Ro 8:14-17.
hindi niya ikinahihiyang tawagin silang mga kapatid: Bilang “tagapagmana ng lahat ng bagay,” napakataas ng posisyon ni Jesus. (Heb 1:2) Pero ang mga pinahirang alagad niya ay mga di-perpektong tao lang. Kahit na ganoon, masaya si Jesus na kilalanin silang mga kapatid. Malapít siya sa kanila, at mahal niya sila. Iisa lang ang Ama nila, ang Diyos na Jehova, kaya naman magkakapatid sila sa espirituwal. (Mat 25:40; Ju 20:17; tingnan ang study note sa Mat 12:49; 28:10.) Siguradong nakakapagpatibay sa mga Hebreong Kristiyano na maalalang ganito ang turing sa kanila ni Jesus, dahil kadalasan nang iniinsulto sila, ipinapahiya, at pinag-uusig ng mga kapuwa nila Judio.—Heb 10:32-34.
-