Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At: “Magtitiwala ako sa kaniya.”+ At: “Ako at ang mga anak, na ibinigay sa akin ni Jehova.”*+

  • Hebreo 2:13
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 13 At muli: “Ako ay magtitiwala sa kaniya.”+ At muli: “Narito! Ako at ang mumunting mga anak, na ibinigay sa akin ni Jehova.”+

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:13

      “Magtitiwala ako sa kaniya”: Sinipi dito ni Pablo ang Isa 8:17 ng Septuagint, at ginabayan siya ng banal na espiritu para isulat na si Jesus ang nagsabi nito. (Ihambing ang study note sa Heb 2:12.) Dahil naging tao si Jesus at malaki ang ipinagbago ng kalagayan niya, talagang kinailangan niyang magtiwala sa Diyos. (Heb 2:9 at study note; ihambing ang Ju 1:14 at study note.) Di-gaya ni Adan, buo ang tiwala ni Jesus kay Jehova. At hindi iyan nagbago kahit sa harap ng mahihirap na pagsubok hanggang sa ipapatay siya. (Luc 23:46; ihambing ang Aw 22:8; Mat 27:43.) Kaya bilang isang “maawain at tapat na mataas na saserdote,” talagang “matutulungan niya ang mga sinusubok.”—Heb 2:16-18.

      “Ako at ang mga anak, na ibinigay sa akin ni Jehova”: Sa patnubay ng banal na espiritu, sinipi ni Pablo ang Isa 8:18 at inihambing si Jesus at ang mga pinahirang tagasunod niya kay propeta Isaias at sa mga anak nito. (Heb 2:13, 14) Gaya ng ipinapakita sa konteksto, ang “mga anak” ay tumutukoy talaga sa mga anak ng Diyos at “mga kapatid” ni Kristo, na siyang Panganay ng Diyos. (Heb 1:6; 2:11, 12 at study note; tingnan din ang Ju 1:12; 1Ju 3:1.) Ipinapakita ng pagsiping ito ni Pablo ang nakakaantig na katotohanang bahagi ng pamilya ni Jehova ang mga tagasunod ni Kristo.

      Jehova: Sa pagsiping ito sa Isa 8:18, ang pangalan ng Diyos, na kinakatawan ng apat na katinig sa Hebreo (ang transliterasyon ay YHWH), ay lumitaw sa orihinal na tekstong Hebreo. Kaya ginamit din dito sa Heb 2:13 ang pangalan ng Diyos. Sa mga manuskritong Griego na mayroon tayo sa ngayon, ang ginamit dito ay The·osʹ (Diyos), posibleng dahil termino rin para sa “Diyos” ang ginamit sa Isa 8:18 sa natitirang mga kopya ng Septuagint. Kaya tinumbasan ito ng “Diyos” sa karamihan ng salin sa Heb 2:13.​—Tingnan ang Ap. C1 at C2.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share