Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Kaya dahil ang “mga anak” ay mga kabahagi sa dugo at laman, naging kabahagi rin siya sa gayong mga bagay,+ para sa pamamagitan ng kamatayan niya ay mapuksa niya ang nagdudulot ng kamatayan,+ ang Diyablo,+

  • Hebreo 2:14
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 14 Samakatuwid, yamang ang “mumunting mga anak” ay mga kabahagi sa dugo at laman, siya rin sa katulad na paraan ay nakibahagi sa gayunding mga bagay,+ upang sa pamamagitan ng kaniyang kamatayan+ ay mapawi niya+ ang isa na may kakayahang magpangyari ng kamatayan,+ samakatuwid nga, ang Diyablo;+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 2:14

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1381

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 1109

      Ang Bantayan,

      5/15/2015, p. 10

      3/15/2011, p. 25

      10/15/2008, p. 31-32

      1/15/2006, p. 27

      7/1/2003, p. 30

      9/1/1999, p. 5

      2/1/1993, p. 6

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 2:14

      mga kabahagi sa dugo at laman: Ang “mga anak,” o mga pinahirang alagad ni Jesus, ay pare-parehong nakaranas na maging tao, na may “dugo at laman.” (Tingnan ang study note sa Gal 1:16.) Nang bumaba si Jesus sa lupa, talagang naging tao rin siya na may dugo at laman.​—Tingnan ang mga study note sa Ju 1:14.

      mapuksa: Binigyan ni Jehova ang Anak niya ng awtoridad na durugin, o puksain, si Satanas. (Gen 3:15; tingnan ang study note sa Ro 16:20.) Sa pamamagitan ng kamatayan ni Jesus, natalo niya si Satanas. Hanggang sa mamatay si Jesus, hindi nagtagumpay ang lahat ng pakana ni Satanas na magkasala siya. Ang katapatan ni Kristo hanggang kamatayan ay garantiya na balang-araw, sisirain niya ang mga gawa ng Diyablo, aalisin ang kamatayan, at pupuksain si Satanas.​—1Co 15:26 at study note; 1Ju 3:8; Apo 20:10, 14.

      ang nagdudulot ng kamatayan, ang Diyablo: Kaayon ito ng sinabi ni Jesus tungkol kay Satanas: “Mamamatay-tao siya nang siya ay magsimula.” (Ju 8:44) Naging mamamatay-tao si Satanas nang tuksuhin niyang magrebelde sina Adan at Eva sa Eden. Iyan ang dahilan ng kamatayan nila at ng lahat ng anak nila. (Ro 5:12) Mula noon, marami pang namatay dahil sa panlilinlang at mga tukso ni Satanas para mailayo ang mga tao sa Diyos. Iniimpluwensiyahan niya rin ang mga tao na magkimkim ng matinding galit na puwedeng umakay sa kanila na pumatay. (Ihambing ang 1Ju 3:12.) Pero hindi dapat matakot ang mga Kristiyano kay Satanas at isiping puwede silang patayin ng Diyablo anumang oras. (Mat 4:10, 11; ihambing ang San 4:7.) May kapangyarihan si Satanas na magdulot ng kamatayan, pero hindi siya puwedeng lumampas sa limitasyong itinakda sa kaniya ni Jehova.​—Ihambing ang Job 1:12; 2:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share