-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
tinutulungan niya . . . ang mga supling ni Abraham: Dito, tumutukoy ang “mga supling ni Abraham” sa mga kapatid ni Kristo, ang mga pinahirang Kristiyano. (Tingnan ang study note sa Gal 3:16, 29.) Ang pandiwang Griego na isinalin ditong “tinutulungan” ay pangunahin nang nangangahulugang “hawakan.” Puwede itong tumukoy sa paghawak nang mahigpit sa isa para maalalayan siya sa isang mapanganib na sitwasyon. Halimbawa, ‘hinawakan’ ni Jehova ang kamay ng mga Israelita at inakay sila palabas ng Ehipto. (Heb 8:9) Ang anyo ng pandiwang ginamit dito ay nagpapahiwatig na tuloy-tuloy ang pagtulong ni Kristo sa mga pinahirang Kristiyano. Para bang hawak niya sila sa kamay, at tinutulungan niya silang manatiling tapat sa harap ng mga pagsubok. Bilang Tagapamagitan at Mataas na Saserdote, tinutulungan niya silang mapanatili ang malinis na katayuan sa harap ng Diyos. (Heb 2:18; 7:25) Hindi niya kailangang tulungan ang mga anghel sa ganitong paraan. Ito ang unang pagkakataon sa liham sa mga Hebreo na binanggit si Abraham; pero madalas na siyang banggitin sa sumunod na mga bahagi nito.—Heb 2:16; 6:13, 15; 7:1, 2, 4-6, 9; 11:8, 17.
ang mga supling: Lit., “ang binhi.”—Tingnan ang study note sa Gal 3:29; Ap. A2.
-