-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kinailangan niyang maging gaya ng “mga kapatid” niya: Naging gaya si Jesus ng mga alagad niya dahil naging tao rin siya. Bukod sa nagkaroon siya ng katawang may dugo at laman, naranasan din niyang magdusa at makadama ng mga damdaming karaniwan sa mga tao—naranasan niyang magutom, mauhaw, mapagod, pagtaksilan, mapahiya, maghirap ang kalooban, masaktan, at mamatay. (Mat 4:2; 21:18; 27:27-30; Mar 4:37, 38; 14:33, 34; 15:37; Luc 22:44, 47, 48; Ju 4:6, 7; 19:1-3, 28; Heb 2:10) Nagpakita siya ng malasakit sa mga taong malapít sa kaniya at kahit pa nga sa mga hindi niya kilala. (Mar 5:34; Luc 13:11, 12, 16; Ju 11:32-35) “Kinailangan” niyang maging tao para maging maawain siyang Mataas na Saserdote na nakakaunawa sa mga tao.—Heb 4:15.
mataas na saserdote: Sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, sa liham sa mga Hebreo lang tinukoy si Jesus bilang “mataas na saserdote,” at dito ito unang beses na binanggit. Ang iba pang paglitaw ay nasa Heb 3:1; 4:14, 15; 5:5, 10; 6:20; 7:26; 8:1; 9:11.—Tingnan sa Glosari at study note sa Heb 4:14.
makapag-alay siya ng pampalubag-loob na handog: O “makapag-alay siya ng handog bilang pambayad-sala; makapagbayad-sala siya.” (Tingnan ang study note sa Heb 9:5 at Glosari, “Pagbabayad-sala.”) Bilang “tapat na mataas na saserdote,” ibinigay ni Jesus ang buhay niya bilang pantubos para sa kasalanan ng mga tao. Dahil sa pambayad-salang handog na iyan, naging posible ang “walang-hanggang kaligtasan” para sa lahat ng mananampalataya.—Heb 9:11, 12; Ju 3:16; 1Ju 2:2; 4:10; tingnan ang study note sa Ro 3:25; Heb 9:5.
-