-
Hebreo 3:4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
4 Siyempre, ang bawat bahay ay may tagapagtayo, pero ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Siyempre, ang bawat bahay ay may tagapagtayo: Nagharap dito si Pablo ng isang katotohanang di-matututulan mula noon hanggang ngayon: Ang bawat bahay—literal man o espirituwal, gaya ng tinatalakay dito—ay may tagapagtayo. (Tingnan ang study note sa Heb 3:2, 3.) Ang salitang isinalin ditong “may tagapagtayo” ay pandiwa sa orihinal na Griego at puwedeng tumukoy sa paghahanda ng isang bagay para magamit ito, gaya ng paglalagay ng mga kagamitan sa tabernakulo.—Heb 9:2, 6.
ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos: Si Jehova ang nagtayo, o gumawa, ng “lahat ng bagay”—kasama na ang buong pisikal na uniberso, ang lahat ng buháy na nilalang, at ang “bagong nilalang,” ang kongregasyon ng mga pinahirang Kristiyano. (Gal 6:15 at study note) Ang terminong Griego para sa “nagtayo” ay ginamit sa Isa 40:28 ng Septuagint para isalin ang terminong Hebreo para sa “Maylalang.” Bilang dalubhasang manggagawa, tinulungan ni Jesus ang Ama niya sa paggawa ng lahat ng bagay.—Kaw 8:30, 31; Col 1:15, 16; Heb 1:10 at study note; tingnan din ang study note sa Heb 3:3.
-