-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
narinig din natin ang mabuting balita: May sinabing mabuting balita si Jehova sa mga Israelita pagkalaya nila sa Ehipto. Kasama sa mga pangako niya na kung magiging masunurin sila, papasok sila sa kapahingahan niya sa Lupang Pangako at magkakaroon sila ng espesyal na kaugnayan sa kaniya. Pagdating ng panahon, sila ay “magiging isang kaharian ng mga saserdote.” (Exo 19:5, 6; 23:20-25, 31) Hindi nanampalataya ang bayan, at naging masuwayin sila. Kaya itinakwil sila ni Jehova, at ‘ipinarinig niya ang mabuting balita’ sa mga naging pinahirang alagad ni Kristo. Kung mananampalataya sila at magiging masunurin, papasok sila sa kapahingahan ng Diyos, pagpapalain niya sila, at magiging mga hari at saserdote sila sa Kaharian sa langit.—1Pe 2:9; Apo 5:10.
hindi sila nagkaroon ng pananampalatayang gaya ng sa mga nakinig: Hindi nakinabang sa salita, o sa mensahe ng mabuting balita, ang karamihan sa mga Israelita noong panahon ni Moises. Hindi sila nagkaroon ng pananampalatayang gaya ng kina Josue at Caleb, na kasama sa mga “nakinig,” o sumunod, sa mensahe. Sa halip, sinuway nila ang utos ni Jehova na sakupin ang Lupang Pangako.—Bil 14:1-11, 35-38.
-