Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Dahil tayo na nananampalataya ay pumasok sa kapahingahan, pero tungkol sa iba, sinabi niya: “Kaya sa galit ko ay sumumpa ako, ‘Hindi sila papasok sa kapahingahan ko,’”+ kahit na ang mga gawa niya ay tapos na mula pa nang itatag ang sanlibutan.+

  • Hebreo 4:3
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 3 Sapagkat tayo na mga nanampalataya ay pumapasok sa kapahingahan, gaya ng kaniyang sinabi: “Kaya sumumpa+ ako sa aking galit, ‘Hindi sila papasok+ sa aking kapahingahan,’ ”+ bagaman ang kaniyang mga gawa ay tapos na+ mula pa nang pagkakatatag ng sanlibutan.+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 4:3

      Kaunawaan, Tomo 1, p. 1305

      Ang Bantayan,

      7/15/1998, p. 17

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 4:3

      tayo na nananampalataya ay pumasok sa kapahingahan: Makikita sa konteksto na ang araw ng kapahingahang tinutukoy ni Pablo ay nagsimula noong matapos ni Jehova ang paglalang. (Heb 4:4, 5, 10) May mahalagang impormasyong binanggit sa Genesis tungkol sa araw na iyon: “Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawa itong banal.” (Gen 2:2, 3) Ibig sabihin, sa katapusan ng araw ng kapahingahan, nangyari na ang lahat ng layunin ni Jehova sa lupa at sa mga tao. Magiging perpekto ang lahat ng nilalang, gaya ng orihinal na layunin ng Diyos. Kahit nagdulot ng problema sa araw ng kapahingahan ang rebelyon nina Satanas, Adan, at Eva, hindi nito nahadlangan ang layunin ni Jehova. Tiniyak ng sinabi ni Pablo sa mga Hebreong Kristiyano na puwede pa rin silang makapasok sa kapahingahan ni Jehova. Magagawa nila iyon kung makikipagtulungan sila kay Jehova sa pagtupad ng layunin niya. Halimbawa, kailangan nilang magtiwala kay Jehova at manampalataya sa mga pangako niya.—Heb 3:19; 4:6.

      kahit na ang mga gawa niya ay tapos na: Nang lalangin si Eva, natapos na ang paglalang ni Jehova ng mga bagay sa lupa. Kaya sa maikli, ganito ang gustong sabihin ni Pablo: Noon pa nagsimula ang araw ng kapahingahan ng Diyos, at hanggang ngayon, patuloy niyang inaanyayahan ang mga tao na pumasok dito. Kahit marami ang tumatanggi, may pagkakataon pa ring “pumasok sa kapahingahan” ang mga mananampalataya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share