-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
“At ang Diyos ay nagpahinga noong ikapitong araw sa lahat ng ginagawa niya”: Sumipi si Pablo sa Gen 2:2, na tungkol sa ikapitong araw ng paglalang ng Diyos. Sa tekstong ito, ang ekspresyong Hebreo na isinaling “nagsimulang magpahinga” ay nagpapahiwatig na hindi pa tapos ang araw ng kapahingahan ng Diyos. Sinusuportahan ito ng sumusunod na punto: Sa lahat ng iba pang araw ng paglalang, sinabi sa ulat na “lumipas ang gabi at ang umaga.” Ibig sabihin, natapos ang bawat araw na iyon. (Gen 1:5, 8, 13, 19, 23, 31) Pero hindi ito sinabi sa ikapitong araw. Isa pa, sa Heb 4:7, ginamit ni Pablo ang ekspresyong “Ngayon” gaya ng pagkakagamit nito sa Aw 95:7. Sa Awit, tumutukoy ang ekspresyong ito sa araw ng kapahingahan ng Diyos, at makikita dito na nagpapatuloy pa rin ang araw na ito noong isulat ito ni David. (Aw 95:7-11; tingnan ang study note sa Heb 4:7.) Base dito, ipinakita ni Pablo na nagpapatuloy pa rin noong panahon niya ang ikapitong araw at puwede pa ring makapasok ang mga Kristiyano sa “kapahingahan ng Diyos.”—Heb 4:3, 10, 11.
-