-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
sa awit ni David pagkatapos ng napakahabang panahon: Sinipi ni Pablo ang Aw 95:7, 8 at sinabing si David ang sumulat nito. (Hindi sinabi sa tekstong Hebreo kung sino ang sumulat ng Aw 95, pero mababasa sa superskripsiyon ng Griegong Septuagint: “Awit ng papuri ni David.”) Noong panahon ni David, mga 450 taon na ang lumipas mula nang sabihin ng Diyos na hindi makakapasok sa kapahingahan niya ang rebelyosong mga Israelita (Bil 14:22, 23; Heb 3:7, 11; 4:3, 5) at halos 3,000 taon na ang lumipas mula nang magsimula ang araw ng kapahingahan ng Diyos (Gen 2:2). Kaya talagang “napakahabang panahon” na ang lumipas bago pa ito isulat ni David.—Tingnan ang study note sa Heb 4:4.
-