-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Josue: Dalawang beses binanggit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan si Josue, na anak ni Nun. (Tingnan ang study note sa Gaw 7:45.) Sa Hebreo, ang pangalan niya ay nangangahulugang “Si Jehova ay Kaligtasan.” (Jos 1:1, tlb.) Ang katumbas nito sa Griego ay I·e·sousʹ, na karaniwang isinasaling “Jesus.” (Tingnan ang study note sa Mat 1:21.) Pero makikita sa konteksto na ang I·e·sousʹ dito ay tumutukoy kay Josue ng sinaunang Israel na umakay sa bayan ng Diyos papasók sa Lupang Pangako. Dito, idiniin ni Pablo na matutupad lang ang mga pangako ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, isang lider na nakahihigit kay Josue.
binanggit pa . . . na ibang araw: Kahit naakay ni Josue sa Lupang Pangako ang mga Israelita, hindi iyon naging permanenteng pahingahan para sa kanila. Nang mamatay si Josue, nagrebelde na naman ang bayan ng Diyos. Napuno ng idolatriya ang lupain nila, at lagi silang nakakaranas ng digmaan at pananakot ng mga kaaway. (Huk 2:10-15) Sumalungat na naman sa layunin ng Diyos ang mga Israelita kaya hindi sila nakapasok sa sagradong araw ng kapahingahan niya. Pero gaya ng sinabi ni Pablo sa patnubay ng banal na espiritu, may binanggit ang Diyos na “ibang araw” ng kapahingahan sa “awit ni David.” (Heb 4:7, 8) Tinukoy ni Jehova na “ngayon” ang araw ng kapahingahan na iyon. (Aw 95:7) Kaya ipinakita niyang puwede pa ring pumasok sa kapahingahan niya. At gaya ng sinabi ni Pablo sa Heb 4:9, kailangang samantalahin ng mga Kristiyano ang pagkakataong iyan.—Tingnan ang study note sa Heb 4:3.
-