-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang taong nakapasok na sa kapahingahan ng Diyos: Nagdesisyon ang Diyos na magpahinga, o tumigil sa paglalang ng mga bagay sa lupa. Ginawa niya iyon para unti-unti nang matupad ang magandang layunin niya sa lupa. (Gen 2:2, 3) Pinayuhan ni Pablo ang mga Hebreong Kristiyano na makipagtulungan sa Diyos sa pagtupad sa layunin Niya—kailangan nilang magpahinga ‘sa mga ginagawa nila,’ o tanggapin ang kaayusang ginawa ng Diyos para matubos sila sa pamamagitan ni Kristo. Hindi nila puwedeng maipahayag na matuwid ang sarili nila sa pamamagitan ng sarili nilang pagsisikap, kasama na ang pagsunod sa Kautusang Mosaiko, na wala nang bisa nang panahong iyon. (Ro 10:4; Col 2:13, 14; Heb 7:12; ihambing ang study note sa Heb 6:1.) Isa pa, dapat din nilang iwasan ang “landasin ng pagsuway” ng di-tapat na mga Israelita.—Heb 4:11; tingnan ang study note sa Heb 4:3.
-