-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 4Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
nauunawaan ng ating mataas na saserdote: Sa orihinal na wika, gumamit si apostol Pablo ng dalawang negatibong salita para idiin ang puntong ito. Puwede itong isaling “ang mataas na saserdote natin ay hindi isa na hindi magawang makiramay.” Sa ganitong paraan, tiniyak ni Pablo sa mga Hebreong Kristiyano na ibang-iba si Jesus sa di-perpektong mga tao na naging mataas na saserdote. Sa Israel noon, may mga pagkakataon na hindi nakapagpakita ng malasakit ang mga mataas na saserdote sa mga taong dapat sana ay tinutulungan nila.
nauunawaan . . . ang mga kahinaan natin: Ang salitang Griego na isinalin ditong “nauunawaan” ay nangangahulugang makiramay sa pinagdadaanan at nararamdaman ng isang tao. (Tingnan din ang Heb 10:34, kung saan ginamit din ni Pablo ang pandiwang Griego para sa “nauunawaan.”) Dahil naranasan ni Jesus na mabuhay sa lupa, mas naging maunawain pa siya sa mga tao. Bilang tao, naranasan niyang mawalan, madismaya, mapagmalupitan, mapagod, at mapahiya. (Tingnan ang study note sa Heb 2:17.) Isa pa, paulit-ulit niyang ipinakita na talagang naiintindihan niya ang mga nakikipaglaban sa mga kahinaan nila.—Tingnan din ang study note sa Mar 5:34; Ju 11:33, 35.
sinubok siya sa lahat ng bagay: Tingnan ang study note sa Heb 2:18; 4:15; 5:8.
-