Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 6:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 pero tumalikod sa pananampalataya,+ imposibleng mapanumbalik sila para magsisi, dahil muli nilang ipinapako sa tulos ang Anak ng Diyos at inilalagay siya sa kahihiyan sa harap ng mga tao.+

  • Hebreo 6:6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 6 ngunit nahulog,+ na panumbalikin silang muli sa pagsisisi,+ sapagkat ibinabayubay nilang muli ang Anak ng Diyos sa ganang kanila at inilalantad siya sa hayag na kahihiyan.+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 6:6

      Kaunawaan, p. 576, 1085

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 630, 717

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:6

      imposibleng mapanumbalik sila para magsisi: Tinutukoy dito ni Pablo ang ilan sa mga tumalikod sa pananampalatayang Kristiyano, o nag-apostata. Lumilitaw na sinadya nilang mag-apostata kahit “naliwanagan” na sila noon. (Heb 6:4 at study note) Sa patnubay ng espiritu, ipinakita ni Pablo na sinadya nilang magkasala laban sa banal na espiritu ng Diyos. Imposible nang magsisi ang ganitong mga tao.—Mar 3:28, 29; Heb 10:26, 27; 12:25.

      muli nilang ipinapako sa tulos ang Anak ng Diyos: Napakatindi ng pananalitang ginamit dito ni Pablo para kondenahin ang mga pinahirang Kristiyanong iyon na sadyang tumalikod sa pananampalatayang Kristiyano. Siyempre, hindi literal ang ekspresyong ito. Namatay si Kristo “nang minsanan”; imortal na siya ngayon, at wala nang magagawa ang iba para patayin siya. (Heb 9:12; 1Ti 6:16 at study note) Gayundin, posible pang mapatawad ang mga sundalong Romano na aktuwal na nagpako kay Jesus sa tulos. (Luc 23:34 at study note) Kaya lumilitaw na ikinukumpara dito ni Pablo kay Hudas Iscariote at sa mga lider ng relihiyon na nagpapatay kay Jesus ang mga di-nagsising apostata. (Ju 19:11 at study note, 15, 16) Hinamak ng mga apostatang ito si Jesus at ang haing pantubos, gaya ng ginawa ng masasamang taong iyon, at pare-pareho sila ng magiging parusa—pagkapuksa magpakailanman.—Heb 10:29.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share