-
Hebreo 6:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
8 Pero kung magsibol ito ng matitinik na halaman, pababayaan ito at di-magtatagal ay susumpain, at sa bandang huli, ito ay susunugin.
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Pero kung magsibol ito ng matitinik na halaman: Sa halip na magpasalamat sa mga “pagpapala mula sa Diyos” (Heb 6:7), pinili ng ilang Kristiyano na mamuhay nang makasalanan (Heb 6:4-6). Sinadya nilang maging walang utang na loob at magkaroon ng iba pang masasamang ugali. Kaya tulad sila ng lupa na walang silbi ang ibinubunga, gaya ng “matitinik na halaman.” Noon, kapag ganito ang lupa ng isang magsasaka, sinusunog niya ito para mamatay ang walang-silbing mga halaman. Sa katulad na paraan, tatanggap ng maapoy na hatol, o pagkapuksa magpakailanman, ang mga dating Kristiyanong iyon na “tumalikod sa pananampalataya.”—Heb 6:6 at study note; ihambing ang Isa 5:1-7.
-