-
Hebreo 6:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Pero kayo, mga minamahal, kumbinsido kami na nasa mas mabuting kalagayan kayo, kalagayang aakay sa kaligtasan, kahit na nagsasalita kami nang ganito.
-
-
Hebreo 6:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
9 Gayunman, sa inyong kalagayan, mga minamahal, kami ay kumbinsido sa mga bagay na mas mabuti at sa mga bagay na kalakip ng kaligtasan, bagaman nagsasalita kami sa ganitong paraan.
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
mga minamahal, kumbinsido kami na nasa mas mabuting kalagayan kayo: Sa naunang bahagi ng liham na ito, nagbigay si Pablo ng matinding payo sa mga humina ang pananampalataya. (Heb 3:12; 5:11 at study note) Sa kontekstong ito, kinondena niya ang mga hindi nanatiling tapat. (Heb 6:4-8) Ngayon, pinatibay naman niya ang mga Hebreong Kristiyano at tinawag silang “mga minamahal.” Ipinakita niyang malaki ang tiwala niya sa kanila. (Ihambing ang Ro 15:14; 2Te 3:4.) Di-gaya ng mga tumalikod kay Kristo at naiwala ang pag-asa nila sa hinaharap, nasa “mas mabuting kalagayan” ang tapat na mga Hebreong Kristiyano—isang kalagayang aakay sa kanila sa kaligtasan, dahil may pag-asa pa silang mamahalang kasama ni Kristo sa langit.—Tingnan ang study note sa 2Ti 2:12.
-