Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 6:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sa katulad na paraan, nang ipasiya ng Diyos na ipakita nang mas malinaw sa mga tagapagmana ng pangako+ na hindi mababago ang layunin* niya, ginarantiyahan niya iyon* sa pamamagitan ng pagsumpa,

  • Hebreo 6:17
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 17 Sa ganitong paraan ang Diyos, nang nilayon niyang ipakita nang lalong sagana sa mga tagapagmana+ ng pangako ang kawalang-pagbabago+ ng kaniyang layunin, ay pumasok taglay ang isang sumpa,

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 6
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 6:17

      mga tagapagmana ng pangako: Pinatibay ni Pablo ang mga Hebreong Kristiyano nang ipaalala niya sa kanila ang kaugnayan nila kay Abraham. Ipinangako ng Diyos sa tapat na lalaking iyon na magkakaroon siya ng anak na magdudulot ng mga pagpapala sa “lahat ng bansa sa lupa.” (Gen 22:17, 18) Bilang likas na mga inapo ni Abraham, mga Judio sana ang magmamana ng pangakong ito. Itinakwil ng karamihan sa kanila ang Mesiyas, kaya hindi nila natanggap ang mana. Pero naging “mga tagapagmana ng pangako” ang mga Hebreong Kristiyano. Hindi ito dahil sa likas na mga inapo sila ni Abraham, kundi dahil tinanggap nila si Kristo, ang pangunahing supling ni Abraham, at naging pinahirang tagasunod niya sila. (Tingnan ang study note sa Gal 3:29.) Darating ang panahon na makikinabang sa mga pangako ng Diyos kay Abraham ang lahat ng tapat na Kristiyano, kasama na ang mga may makalupang pag-asa.

      hindi mababago ang layunin niya: Ang salitang Griego na isinalin dito at sa sumunod na talata na “hindi mababago” ay isa sa maraming termino sa batas na ginamit ni Pablo sa kontekstong ito. (Tingnan ang study note sa Heb 6:16.) Saklaw naman ng salitang isinalin ditong “layunin” ang desisyon, determinasyon, intensiyon, at kalooban ng isa.—Tingnan ang study note sa Gaw 20:27; tingnan din ang study note sa Efe 3:11, kung saan isinalin ding “layunin” ang terminong Griego na kasingkahulugan ng ginamit dito sa Heb 6:17.

      ginarantiyahan niya iyon sa pamamagitan ng pagsumpa: Nang mangako ang Diyos kay Abraham, “ipinanumpa niya ang sarili niya.” (Heb 6:13 at study note) Hindi obligado si Jehova na sumumpa para patunayang totoo ang mga pangako niya, pero ginawa niya pa rin iyon para lubusang magtiwala ang mga tao sa mga sinasabi niya. Wala nang mas sigurado pa sa garantiyang ibinibigay niya. Ang pandiwang Griego na isinaling “ginarantiyahan niya iyon” ay puwede ring mangahulugang “namagitan siya” sa pamamagitan ng isang sumpa para tiyakin ang pangako niya. Ayon sa isang reperensiya, idiniriin ng pandiwang iyon sa kontekstong ito “ang pagiging totoo ng mga pangako ng Diyos. Diyos [mismo ang gumagarantiya] . . . sa mga sinabi niyang gagawin niya.”—Tingnan sa Glosari, “Sumpa.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share