-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hari ng Salem, ibig sabihin, “Hari ng Kapayapaan”: Hindi sinabi sa Hebreong Kasulatan ang ibig sabihin ng pangalang Salem (Gen 14:18), pero sa patnubay ng espiritu, ipinaliwanag ni Pablo na nangangahulugan itong “Kapayapaan,” at lumilitaw na iniuugnay niya ito sa salitang Hebreo para sa “kapayapaan” (sha·lohmʹ). Angkop na titulo ang “Hari ng Kapayapaan” kay Melquisedec, dahil ikinukumpara sa kaniya ni Pablo si Jesus. (Heb 6:20; 7:3) At sa Bibliya, madalas iugnay ang kapayapaan sa pamamahala ni Jesus bilang ang ipinangakong Mesiyas. Halimbawa, sa Isa 9:6, 7, tinawag siyang “Prinsipe ng Kapayapaan,” ibig sabihin, prinsipeng nagtataguyod ng kapayapaan.—Tingnan din ang Aw 72:1, 3, 7; Zac 9:9, 10; para sa paliwanag tungkol sa mga salitang Hebreo at Griego na isinaling “kapayapaan,” tingnan ang study note sa Mar 5:34.
-