-
Hebreo 7:7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
7 Hindi nga matututulan na ang nagbibigay ng pagpapala ay mas dakila sa tumatanggap nito.
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang nagbibigay ng pagpapala ay mas dakila sa tumatanggap nito: Ginamit ni Pablo ang argumentong ito para ipakitang nakahihigit ang pagkasaserdote ni Melquisedec kaysa sa tribo ni Levi. Dahil si Melquisedec ang nagbigay ng pagpapala kay Abraham, maliwanag na nakakataas ang hari at saserdoteng ito kaysa kay Abraham o sa sinumang nagmula sa kaniya, kasama na si Levi at ang mga saserdoteng Levita.—Heb 7:1, 6.
nagbibigay ng pagpapala: Sa Bibliya, pinagpapala ng isang tao ang kapuwa niya kapag pinupuri niya ang magagandang katangian o ginawa nito. (Exo 39:43) Pinagpapala niya rin ang kapuwa niya kapag sinasabi niyang pagpakitaan sana ito ng Diyos ng pabor. Sa diwa, hinihiling niya sa Diyos na pagpalain ang taong iyon. (Ru 3:10) Pero higit pa diyan ang pagpapalang ginawa ni Melquisedec kay Abraham. Bilang saserdoteng nagsasalita para sa Diyos, nagsilbing hula ang mga sinabi niya. Tiniyak niya na talagang pagpapalain ni Jehova si Abraham at ang magiging mga supling nito.—Gen 14:18-20.
-