Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At masasabing kahit si Levi, na tumatanggap ng ikapu, ay nagbayad ng ikapu sa pamamagitan ni Abraham,

  • Hebreo 7:9
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 9 At, maaari ko pang sabihin, sa pamamagitan ni Abraham maging si Levi na tumatanggap ng mga ikapu ay nagbayad ng mga ikapu,

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:9

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 343-347

      Kaunawaan, p. 303-304, 370

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:9

      si Levi . . . ay nagbayad ng ikapu sa pamamagitan ni Abraham: Itinuro dito ni Pablo na nang kilalanin ni Abraham si Melquisedec bilang saserdote ni Jehova at parangalan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng ikapu, para bang pinarangalan na rin ng lahat ng magiging supling niya si Melquisedec. Sa ganitong paraan, kinatawan ni Abraham ang lahat ng supling niya. Kasama dito si Levi, na apo sa tuhod ni Abraham, pati na si Aaron na nanggaling kay Levi. Ginamit ito ni Pablo para muling patunayan na nakahihigit si Melquisedec kay Abraham. Maliban kay Jesus, maliwanag na nakahihigit din ang hari at saserdoteng ito sa sinumang inapo ni Abraham, kasama na ang lahat ng saserdoteng naglilingkod sa templo sa Jerusalem noong panahon ni Pablo. Kaya hindi mapapantayan ng mga saserdoteng iyon ang matagal nang inihulang “mataas na saserdote [na] gaya ng pagkasaserdote ni Melquisedec.”—Heb 5:10; Aw 110:4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share