-
Hebreo 7:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
-
-
11 Sa gayon, kung ang kasakdalan+ ay tunay ngang sa pamamagitan ng Levitikong pagkasaserdote,+ (sapagkat kalakip na bahagi iyon nang ibigay sa bayan ang Kautusan,)+ bakit kailangan pang bumangon+ ang isa pang saserdote ayon sa paraang gaya ng kay Melquisedec+ at hindi masasabing ayon sa paraang gaya ng kay Aaron?
-
-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Kaya kung posibleng maging perpekto ang tao: Malinaw sa isang perpektong tao na wala siyang kasalanan sa harap ng Diyos na Jehova, kaya naman talagang malinis ang konsensiya niya. (Ihambing ang Heb 10:1, 2.) Pero hindi puwedeng maging perpekto ang sinumang makasalanang tao sa pamamagitan ng Kautusang Mosaiko at ng mga saserdoteng Levita nito. (Heb 7:19) Ipinapaalala lang ng handog ng mga saserdoteng iyon na makasalanan ang bayan ng Diyos at na napakalubha ng kalagayan nila. (Heb 10:3) Itinuturo din ng mga handog na iyon ang mas malaking hain na ihahandog ni Kristo Jesus “nang minsanan.” (Heb 9:12; 10:10) Ang perpektong handog lang na ito, na eksaktong katumbas ng naiwalang buhay ni Adan, ang lubusang makakapag-alis ng kasalanan ng mga tao. (1Ti 2:6 at study note; Heb 10:4) Sa pamamagitan ng pantubos, si Kristo ang naging “wakas ng Kautusan,” at bilang Mataas na Saserdote, binuksan niya ang pagkakataon para maging perpekto ang mga tao.—Ro 10:4; Heb 10:14 at study note.
bahagi iyon ng Kautusan: Puwede rin itong isaling “dito nakabatay ang Kautusan.” Ang kaayusan ng pagkasaserdote sa Israel ay malaking bahagi ng Kautusang ibinigay ni Jehova sa bayan niya. Sa pamamagitan ng paghahandog, nakatulong ang mga saserdote para mangyari ang isa sa pinakamahahalagang layunin ng Kautusan—ang ipaalala sa bayan ng Diyos kung gaano kaseryoso ang pagiging makasalanan at ang pangangailangan nilang matubos. (Tingnan ang study note sa Heb 5:1.) Sa katunayan, ang buong Levitico, na isa sa mga aklat sa Pentateuch, ay tungkol sa pagkasaserdote, tabernakulo, at mga handog.
-