-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
may pagbabago sa pagkasaserdote: Nanumpa si Jehova na aatasan niya ang Mesiyas bilang hari at saserdote na gaya ni Melquisedec. (Aw 110:2, 4; Heb 7:11) Ipinapakita ng sumpang ito na magkakaroon ng pagbabago sa pagiging saserdote ng mga Levita. Ang totoo, mapapalitan sila. Dahil galing si Jesus sa angkan ni Juda, hindi puwedeng maging mataas na saserdote si Jesus batay sa Kautusang Mosaiko, na nagsasabing dapat na manggaling sa tribo ni Levi ang mga saserdote. (Mat 2:6; Apo 5:5; tingnan ang study note sa Heb 7:14.) Pero dahil si Jesus ay gaya ni Melquisedec na direktang inatasan ng Diyos, puwede siyang maging hari at saserdote.—Heb 7:15, 21 at study note.
-