-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
pinagmulang sambahayan, gaya ng nakasaad sa Kautusan: Lit., “kautusan ng isang utos na nakasalig sa laman.” Tinutukoy dito ni Pablo ang mga patakaran sa Kautusang Mosaiko tungkol sa pagkasaserdote—halimbawa, dapat na manggaling sa angkan ni Levi ang lahat ng saserdote.
kapangyarihang nagbigay sa kaniya ng buhay na di-magwawakas: Si Jesus ay puwedeng maging “saserdote magpakailanman gaya ng pagkasaserdote ni Melquisedec” dahil tumanggap siya mula kay Jehova ng “kapangyarihang nagbigay sa kaniya ng buhay na di-magwawakas.” (Heb 7:3, 17) Natanggap ni Jesus ang maluwalhating gantimpalang iyan nang buhayin siyang muli ng Ama niya. (Gaw 13:33-37; 1Ti 6:16 at study note) Sa ganitong paraan, tinupad ni Jehova ang sumpa niya at naging posible na maging “saserdote magpakailanman” ang Anak niya. (Aw 110:4) Imortal na ngayon si Jesus. Ibig sabihin, hindi na siya posibleng mamatay. Kaya puwede siyang maglingkod bilang nagbibigay-buhay na Mataas na Saserdote na hindi kailangan ng kahalili; “lagi siyang buháy para makiusap para sa” tapat na mga mánanampalatayá.—Heb 7:24, 25.
-