-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
ang naunang kautusan ay inalis: Ipinapahiwatig sa konteksto na ang “naunang kautusan” ay partikular nang tumutukoy sa mga patakaran tungkol sa pagiging saserdoteng Levita. (Heb 7:15, 16) Ang salitang Griego na isinaling “inalis” ay ginagamit kung minsan bilang termino sa batas na nangangahulugang “ipawalang-bisa.” Kaya ipinapakita dito ni Pablo na ang malaking bahaging ito ng Kautusan ay wala nang bisa. (Heb 7:11 at study note, 12) Napatunayang mahina at hindi mabisa ang kaayusang iyon sa pagkasaserdote dahil walang sinuman sa di-perpektong mga saserdote na naghain ng mga hayop ang nakaakay sa mga tao sa pagiging perpekto. (Tingnan ang study note sa Ro 8:3; Heb 5:2.) Pero ngayon, inatasan ng Diyos ang Anak niya na maging saserdoteng gaya ni Melquisedec. Kaya ang “naunang kautusan” ay napalitan ng “mas magandang pag-asa” na nakabatay sa haing pantubos ni Jesu-Kristo.—Heb 7:19 at study note, 22-27.
-