-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
walang anuman na naging perpekto dahil sa Kautusan: Sa Kautusang Mosaiko, nakakalapit sa Diyos ang di-perpektong mga lingkod niya para humingi ng kapatawaran dahil sa mga hayop na inihahandog ng mga saserdote. (Lev 1:3, 4; Aw 65:2-4) Pero hindi kailanman lubusang naalis ng kaayusan sa pagkasaserdote at ng mga handog na batay sa Kautusan ang kasalanan ng mga tao. (Ro 8:3 at study note; Heb 10:4) Kaya hindi lubusang maibabalik ng Kautusan ang kaugnayan ng di-perpektong mga tao kay Jehova.
pero nagawa iyon ng mas magandang pag-asa na ibinigay ng Diyos: Nagbigay si Jehova ng “mas magandang pag-asa” nang isugo niya si Jesu-Kristo sa lupa para maglaan ng mas magandang handog at magsilbing isang saserdote na nakahihigit sa mga saserdoteng naglingkod sa ilalim ng Kautusang Mosaiko. Kasama dito ang pag-asang maligtas sa pamamagitan ng haing pantubos ni Kristo. Dahil sa pantubos, puwedeng ‘makalapit sa Diyos’ ang di-perpektong mga tao at lubusang maibalik ang kaugnayan nila sa Kaniya.—Heb 6:18, 19; 7:25.
-