-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
kailangang may pumalit sa kanila: Tinutukoy dito ni Pablo ang linya ng matataas na saserdote. Noong 1512 B.C.E., inatasan ni Jehova si Aaron bilang ang unang mataas na saserdote. Nang mamatay si Aaron sa edad na 123, pinalitan siya ng anak niyang si Eleazar. (Bil 20:25-28; 33:39) Nang mamatay naman si Eleazar, pinalitan siya ng anak niyang si Pinehas. (Jos 24:33; Huk 20:27, 28) Noong panahon ni Pablo, pagkalipas ng mga 15 siglo, marami nang ‘pumalit na mga saserdote.’ Lumilitaw na mahigit 80 lalaki ang naging mataas na saserdote hanggang sa mawasak ang templo sa Jerusalem noong 70 C.E.
-